Tuesday, July 6, 2010

Greater Things are Yet to come

Nag iisip ako kanina kung ano ilalagay ko dito sa blog ngayon. Naisip ko yung nang yayari sa akin sa trabaho ko ngayon.

Hindi regular ang work ko sa pinapasukan ko ngayon. Di ko alam kung paano ko ma isasalarawan yung uri ng work ko. Actually wala akong regular na sched sa trabaho ko ngayon. Maswerte na ako kung maka pasok ako ng 2 days sa isang linggo. Mas swerte kung bibigyan ako ng schedule sa Voice Cloud. Kaso mas priority nila yung mas mabilis mag type at yung may computer sa bahay.

Speed ko is 2.8. Mababa na kung tutuusin. Pero may mas mababa pa sakin dyan and hindi ako makakapag homebase kasi nga hindi namna sakin yung computer sa bahay, sa kuya ko yun.

1,200 pesos lang ang sinasahod ko every week, maliit kung tutuusin kapag araw araw pasok mo. Yang 1,200 na yan kapag 2 days ka naka pasok. Pero apg 1 day lang, 600 lang a week. So may 2,400 ako isang bwan. Maswerte na ako nyan.

Kung tutuusin ayoko na talaga sa work ko ngayon, kaso hirap naman umalis kapag wala kang lilipatan. Iyak tawa nanaman ako nun. Tsaka pinag tsatsagaan ko nalang habang wala pa akong nahahanap na work. Para kahit papaano meron akong pinag kukunan ng pera.

Hirap no. At my age, dapat professional na ako eh, may narating nasa buhay pero wala, wala akong magawa. My decision is always ended up failure. I always ended up failure. But I have nothing to do with it, but to accept it. Alam ko naman na Greater things are yet to come and God has a plan for me and he promise it.

"Come to me, all you who are weary and burdened, and I will give you rest. Take my yoke upon you and learn from me, for I am gentle and humble in heart, and you will find rest for your souls. For my yoke is easy and my burden is light."

John 14:27

Alam ko naman na hindi ako pababayaan ni God eh. Siguro hindi pa nga ito yung time para mag excel ako sa sarili ko. I mean hindi pa ito yung right time for Him. Kailangan ko lang mag tiwala sa kanya na GREATER THINGS ARE YET TO COME. Tama Greater things are yet to come. Hindi man ito yung right time pero alam ko sa sarili ko na darating yung time na yun. At kung sakali mang hindi dumating yun. Masasabi ko na napa;apit ako ng sobra kay GOD dahil sa bagay na yun. Natuto akong lumaban at mag tiwala. Para sa akin sapat na yun. Masaya na ako dun.


No comments:

Post a Comment