Hahaha ...
Alam nyo bang tambay ako ng Starbucks? Oo tambay ako ng Starbucks, mukha lang hindi! Hahaha ... College palang ako madalas akong tumatambay ng Starbucks. Ang alam ko lang orderin nun Mocha Frappe, yung kasi yung unang order ko nung unang tambay ko sa Starbucks. Hahaha ... Hangang sa makapasok ako ng community.
Dito ko nakilala si Caramel Macchiato dahil kay halimaw. Good looks, ideal height, nice skin tone (for me ah), mayaman, may sasakyan, magaling kumanta. (si halimaw yung diniscribe ko hindi yung Caramel Macchiato, wag bobo hahaha...)
Nakilala ko si halimaw nung nasa Youth pa kami, pinakilala sya ng bestfriend. Akala ko nga di ko sya makakasundo kasi FC masyado... okay naman pala. Sobrang kulit ... lalo na yung nasa McDo kami sa St. James, pati yung nag bibirthday party di pinatwad. Mas tumatak pa sakin yung ginaya nya yung commercial ng Nestea kesa sa mismong commercial eh.
Akala ko nung una puros kalokohan lang si halimaw. Di mag seseryoso sa service. After ng split dun ko nakilala ang totoong halimaw sa service. Nabigyan sya ng break para kumanta sa isang big event, nasundan pa ng maraming conference and yung iba di na labas sa community.
Isa sa gusto kong ugali ni halimaw is yung marunong lumaban pag alam nyang tama sya. Hindi mo sya maawat pag dating sa ganyan, kahit sinu pa kaharap nyan. Gora lang, wapakels, kyeme kung kyeme... bastat tama sya... Lalo na yung nag karoon ng issue tungkol sa grupo, sya lang yung bukod tanging kumampi sakin nun, hindi ako makapag salita pero sya yung naging boses ko. Marami akong gustong i express pero sya yung gumagawa nun para sakin. Mas lalong tumaas yung pag tingin ko kay halimaw.
Isa pang gusto ko sa kanya is yung sobrang dedicated nya pag dating sa service. Nung nasa youth pa kami, every week ata may Chapter assembly sila. Asteeg diba .. alam ko kasi lagi akong nasa chapter assembly nila... Nag susundo ng member, text kung text. Kahit ganyan sya ka busy sa service pag dating sa study excellent din ... sya pala nag turo sa akin kung paano gumamit ng DSLR. Asteeg tong taong to.
Marami syan naitulong sakin lalo na sa pananawa sa buhay. Lalo na pag down ako, sya yung lagi kong nakakasama ayun, sa mga sinasabi nya nauuntog ako at natututong bumangon.
Lalo na yung nawala na yung sigla ko sa pag seserve sa community after kong lumipat ng from YFl to SFL. Sabi ko sa sarili ko magiging masaya na akong maging member lang. Aattend kung di tinatamad. Pero dahil sa pangungulit ni halimaw, at siguro sya yung ginawang instrumento ni God para bumalik ako sa kanya, sa pag seserve. Ito nag seserve na uli ako.
Pero sa totoo lang, na mimiss ko na yung halimaw. Yung nagpakilala sa akin kay Caramel Macchiato, yung makulit, yung asteeg sa service, yung marunong lumaban at manindigan, yung magaling kumanta.
Nagumpisa yun nung makalimutan na nya yung service nya... Sabi nya sakin God is Enough, pero yung ginawa nya yun bigla akong nag tanung sa sarili ko . Kala ko ba God is Enough?. Dumating yung time na narealize nya yung mali, yung nakita kong umiyak sya dahil, natuwa ako. Sobra ...
Pero kala ko tuloy tuloy na...
Sa tingi ko sa paglipas ng panahon, napaos na siguro yung halimaw na nakilala ko sa stage dun sa Cavite, yung idol ko sa Assumption, yung halimawna pinatunayan yung sarili na kahit 5 hours lang na practice yung 5 kanta, lumabas na maganda. Siguro pagod na rin siguro yung halimaw na yun. Kahit na ririnig ko parin syang kumakanta hindi ko na makilala yung boses nya.
Nasaan na yung sobrang manindigin na halimaw na yun... Minsan sinasabi nya na hayaan lang daw sya alam nya yung ginagawa nya. Sumasang ayon ako sa kanya na hayaan lang sya, kasi malaki tiwala ko sa kanya. Kasi marunong manindigan yung halimaw na yun, pero sa nang yayari sa kanyan parang nawala na yung tapang nya. Mismong sarili nya nilalabanan na sya. Kahit mismong sya di na nya kayang lumaban sa alam nyang tama, nag papatangay nalang sya sa agos.
Sa totoo lang yung sinabi ko sa kanya na 4 nalng yung rating ko sa kanya totoo yun... Dati sobrang taas ng tingin ko kay halimaw perfect 10, ngayon 4 nalang (but who the hell cares anyway, except me).
Na mimiss ko na yung dating halimaw... yung nagturo sakin kung paano patakbuhin ng tama yung buhay, kung paano humarap sa problema, kung paano manindigan at lumaban sa alam mong tama at yung nag balik sakin kay God.
Siguro kaya hindi narin ako umoorder ng Caramel Macchiato sa Starbuks kasi di ko na trip yung lasa. Kahit dati sarap na sarap ako, kahit na may lactose intolerance sige lang, masarap eh! Ngayon balik Mocha Frappe uli ako. Di ko na malasahan ng maayos yung Caramel Macchiato.
Kailan ko uli kaya makakasama yung halimaw na yun sa Starbucks!
Halimaw ... Andito lang ako sa likod mo!
Nagnamamasid, nag iintay, umaasa at nag dadasal
Prove mo na mali sila. I-prove mo uli ang sarili mo.
Ecclesiastes 4:9-11
Two are better than one, because they have a good return for their work: If one falls down, his friend can help him up. But pity the man who falls and has no one to help him up! Also, if two lie down together, they will keep warm. But how can one keep warm alone?
No comments:
Post a Comment